'the concept LAW OF USE AND DISUSE'
-lahat ng bagay na hindi ginagamit ay NAWAWALA.
mga bagay na 'di naiisip ay NAKAKALIMUTAN.
at mga bagay na hindi nakikita ay NAGLALAHO.
Tama siya, gano'n talaga ang buhay, dapat tanggapin na lang natin, na baka gano'n nga talaga. If it's meant to be it will happen, hayaan na natin. Dahil sa totoo lang, napapagod na din talaga ako, at nasasanay na wala siya. As in pagod na pagod na ko. At hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin. Napaka worthless ko lang. At dahil worthless ako, maiwan ako mag isa. Iikot at iikot ang mundo, hindi ako hihintayin ng sinuman, walang mag hihintay, kundi ako lang ang mag hihintay sa sarili ko. Kelan ba ko aayos? Andami ko ng mali, sobra, ang hirap hirap nung lagi na lang ako nagkakamali, tapos patong patong na. Nang dahil sa isang masamang salita, naging ganito. Haay. Napaka immature ng relasyon na 'to. At naiisip ko na ngayon, kung iwan man niya ako, magiging okay na lang ako, at hahayaan. Kung tutuuisin, mag ka-college na kami, madami na siyang makikilala, na mas okay sakin. Okay na okay, mag perfect. Kaya madali nang makalimutan ang mga taong hindi na nakikita. Gaya nung sinabi niya, Mga bagay na hindi na naiisip, nakakalimutan na. At tama. Baka nga gano'n na lang. Wala na kong maisip na paraan, Gusto siya ang maunang gumawa ng move, pero siya, gusto niya din na ako ang mauna. Baka mag hintayan na lang kami hanggang sa mawala. Pagod na ako... Sana hindi ko na maramdaman to. Yung pakiramdam na sobrang pagod na pagod ka na, parati na lang away, yung maghahanap ka ng kakaiba atsaka masaya, kaso, wala kang makita. Parang lahat sira na.. Akala ko, kilalang kilala ko na siya, ayun, nagulat ako sa mga sinabi niya ngayon. Kung tutuusin hindi naman ganun kalaking pagkakamali yun, pero bakit ganun? ang sinabi niya dati, hindi niya ako iiwanan kahit na nag aaway kami, pero iba ang nararamdaman ko ngayon. At kung totoo man yun, Okay na sakin. Hindi na ko hahabol. Kasi nga pagod na ko... Pareho na kaming pagod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento