Biyernes, Mayo 25, 2012

Okay.

               Alas dyes na ako ng umaga gumising, at syempre dahil nga isa akong mabuting anak, ako ang namalengke ng ulam  ("first time a) natuwa ako, kasi feeling ko ang galing ko. CHAR! Ajeje. =| hahaha.
               Tapos naalala ko, nagtext pala ako kagabi kay panget, syempre, as always naman- walang response. Eto ako, kumakausap ng kabute... Pero teka, kabute? E, nasa harap ako ng salamin. Ako pala 'yung kabute. Ang korni ko no? Ganiyan talaga ang epekto ng init at inis. Ayun nga, nagtext pala ako, as usual, syempre kahit naman papano no, nag aassume ako na baka naman kung anong mabuting hangin ang masinghot niya para mag reply sakin, kaso mukhang puro oxygen nga lang talaga ang nilalanghap niya sa ngayon. 
               At eto pa, nabasa ko kanina lang. A REAL BOYFRIEND: calls you for NOTHING, texts you all the time, wants to see you, cries, gets jealous, over protective & loves you.  E syepre, ako naman 'tong maka react react kala mo naman naapi. Dejokelang, sa panahon ngayon. Hindi naman e, kunyari lang yan. Sa mga nangyayari ngayon, at base na rin sa nararanasan ko, parang sa umpisa lang. Ay sus! =| Kabitter talaga e. Akalain mo 'yon? Walang reply. Okay lang. Sanay na ako. Hayaan natin siya sa gusto niyang mangyari. At dahil hindi naman niya alam sa ngayon na napipikon na ko, hayaan na lang natin maging cold war ang war na ito? (baket gyera ito? gyera???) Basta. Ang sakin lang naman, ginawa ko na ang part ko, na mag attempt kausapin siya sa facebook, nag message na, nag text na, nag wall post na, wala pa din e. Ang sistema dyan, kung ayaw mo, edi wag mo. Yun lang yun. Ano pa bang gusto niya ha? Ni hindi nga niya nagagawa yun ngayon e, at sarreeh ("sorry) sa aking puso na nasasaktan *wow ha! Drama ko lang.* PEE BEE BEE TEENS? ;| Hindi ko maramdaman na ako ay may sinta. Totoo. As in wala. At sanay na ako. Keri na lang. At napapansin ko ding, hindi naman  siya natatakot na sanay na ako.(" alam niya kase no? bobo mode lang ako?) Oo, pero okay lang. Darating ang panahon, darating talaga. Alanganamang hindi. 
             Anyways, bahala na siya. ako din bahala na. Bahala naa. Hayaan na natin ang ilog na dumaloy sa dapat nitong daluyan. Tumubo man ang patatas at maging patatas ang mga tao dito sa mundo... Gaya nga ng sinabi ko- Sanay na ako.
               
              

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento