Biyernes, Mayo 25, 2012

                          Ang awaw (araw) na ito ay pamagatan nating " Gwapo nga, wala namang trabaho" na nabasa ko lang naman sa jeep na sinakyan namin kanina. At bakit kami sumakay ng jeep? Malamang, may pinuntahan kami. At kung itatanong mo kung saan, aba 'e wag ka na magtaka dahil 'yun lang naman ang paulit ulit at nakakasawang puntahan ng duwag kong mga paa. SUPER MARKET- SUPER MALL- SHOE MART- SUPER MAHAL ng mga binebenta.
                           Actually, (mukhang nahihilig na ako sa actually ha?) Hindi ba pwedeng perpetually muna? Joke lang e, 'wag kayong tumawa. Actually, wala namang kuneksyon ang pamagat natin sa naturang artikulo. Pero gaya ng sinabi ko, ito ang unang una kong nabasa sa jeep na sinakyan namin kanina. Nakakatawa, pero totoo. Anyways, baka na naman lumayo tayo neto sa topic. Tara na't pag usapan ang mga kahindik hindik na naganap. Pero, joke lang 'yon, wala talagang kahindik hindik na nangyari, pabalat-bunga lang 'yon para ma excite kayo kahit alam ko namang walang ma eexcite.

Mura lang ang puso ko. Pero simula nung nakilala kita… biglang nagmahal.

              Wala nabasa ko lang din 'to ngayon ngayon lang, kaya pwede bang isingit ko to ha? ajeje. =|  Balik tayo sa kwento ko, ayun, masaya naman. Madami naman akong nabili- at puro damit, syempre kailangan ko naman yon sa pasukan no, one week kaming magsusuot ng civilian. Maganda naman, syempre ako pumili eh, kaso, akala mo naman gintong sinulid ang ginamit sa pananahi. Kabitter e.P artner yan. Oo, mukha lang talagang pugita 'yung nag susuot pero maganda yang damit. Edi sana naging damit na lang ako diba? =| Kaasar. hehe. Puro insert yan. pampakita ng tabs ko. Joke. Pero dejokelang, mas okay sakin ang naka tack in. Tik tak tik tak. :) 
                            Tapos kumain kami ng madami sa greenwich, ayon. nabusog ako... Busug! Madami din akong nakitang ilang mga kakilala. (Madami ta's ilan lang.) Gulo ko no! :D jeje. =| Basta! ayon. masaya naman ako. kaso, namimiss ko na si panget. At gusto ko din magpasalamat ng madami sa aking mga manager, na nagagalit na sa kasalukuyan, dahil gabi na nga daw... =)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento