Martes, Mayo 29, 2012

Ouch.

Tapos, eto ang sakit sakit oh :( Nabangga sa jeep kanina. Tanga mode lang kasi ako. huhuhu. Alam mo, isang kiss lang ni Panget gagaling na 'to.  :)

=(






 Ayan, nakita ko lang dito sa isa kong folder. =(" Lalo tuloy akong nalungkot. Miss na kita. 

Tapos.

                  Ayun. Malungkot ulit ako. Miss ko na siya at gusto ko na siyang makausap talaga. Tapos ansakit sakit pa ng tiyan ko.. :(

Kapag girlfriend ka, ok lang magdemand na dapat ikaw lang.

                 Actually hindi mo na nga kailangan mag demand kasi yun naman talaga ang dapat e. Kaya nga mag boyfriend at mag girlfriend na kayo, dpaat tapos na kayo sa pilian stage. Siya na ang girlfriend mo, siya na yung pinili mo dapat wala ka ng option.

Alam mo naman ang mga lalaki,galit galitan. Kahit di naman kami yung tama.

-Papa Jack
" Yes, guys are polygamous in nature. Same as girls are born paranoid in nature."
- Papa Jack




"It will take only ONE GIRL  for the guy to change that trait. Kapag hindi mo siya napagbago/nabago, hindi ikaw ang
 babae para sa kanya. Give up.Huwag mo hayaang lokohin ka lang ng lalakeng mahal mo. That situation will only show how much you love him but not how much he loves you. HINDI KA MAHAL NIYAN."


hahaha. Tama, Paranoid nga ako. :)

I'm back.

Naiirita ako ngayon at feeling ko galit ako. I don't know. Ayoko ng ganitong feeling. Tapos, nag bukas ako ng facebook ni Potpot, ang kaisa isa kong tapat kapitbahay na mapagkakatiwalaan din naman. Nakita ko nag like na naman ng picture to'ng si panget. Yung picture namin ni Fer noong youth week. E isa yun si Fer sa mga ka close kong lalaki (pero, parang tagilid eh, mas maganda pakinggan kung sasabihin nating tagilid nga) Yung feeling na nakakainis kasi malamang nag seselos na naman yun, pero naiintindihan ko naman yun kasi maski nga ako ganun, pero there's no point in turning back to the past (wow, english) and ilike pa niya yung mga pictures na yun.
Ewan ko ba. Pero, sakin wala lang naman yun. Kasi, as in! Mamatay man ang ipis na lumilipad lipad sa mundong ito, pero hindi ko yun gusto at wala saking malisya yun. Kahit nga magka akbayan kami na parang magkaibigan lang. Okay lang sakin. Pero sa kabilang banda, naiintindihan ko naman kasi nga nakakaselos yun.  
Nagulat lang ako. Pero, sa tingin ko pareho lang kami ng nararamdaman ngayon. Nagseselos sa isa't isa. Kung tutuusin nga, mas malala pa yung akin kasi nga super close namin sa picture ni Fer, tapos ako nagseselos dahil sa sobrang paranoid ko.  Narealize ko din talaga yun. Na ako pala talaga ang mali. Pero yung sa picture kay Fer, minsan naiisip ko din, oo nga, mali nga yun kasi alam ko namang may masasaktan pero nag papicture picture pa ako kasama niya at sumakay sa kalokohan nila. At sa ngayon, hindi ko na naman inuulit yun. Kinakabahan nga ako sa college e, syempre uso yung mga picture picture diyan. Baka may kasama lang ako, mag selos yun (syempre ganun din naman ako sakaniya.) Kaya ang maganda nito, Iwasan. Mali. Wag na gawin. 
Nakaka pagod na araw. Hindi ko alam kung may napala ba naman ako? Bukod sa pagkain parang wala naman. Natapilok pa ko. Asar. Tapos andami nilang ginawa, habang ako forever alone lang sa isang tabi. Nakakainis medyo kasi hindi nga ako nakapunta kayla panget ngayon, ang sakit sakit kasi ng paa ko kanina tapos hilong hilo pa ko. Pero ngayon, medyo na lang. May ipapakita pa naman sana ako sakaniya, pero syempre, siya dapat ang unang makakita nun diba? Ayun, may mga nakita ding ilang kakilala na hindi naman ako kilala, wala lang, nabanggit ko lang. Tapos, kumain kami sa max's tapos, ayun, parang ayaw ko na kumain ng isang linggo. 
Mag b-blog sana ako ngayon, kaso parang tinatamad ako. Lutang na naman utak ko, pano pagod. Bukas na lang kaya? o mamaya na lang. Tapos yung facebook ko nga hindi ko na i-aactivate. Nakalimutan ko na yata yung password nun. Anyway, kanina andaming mga kabataang nagchuchukaran sa mall, tapos nakakairita. Napaka sweet, kala mo bukas magpapakasal na. Ambabata pa! (Wow, parang ako hinde a.) Hindi naman sa gano'n kaso kailangan talaga sa story land mag date ha? Okay. Nevermind. Sila naman yun. Pero kung maka akbay ha! nako. 
           Saglit lang ako nag check blogs. Wala naman akong gana, kaya saglit lang tapos 'di ko na tinuloy. Ngayon inuutusan na naman akong magsaing. Haay!!! Brb.

Lunes, Mayo 28, 2012

Failed.

       Nag search nga ako kanina sa google, tapos oo, nakita ko nga yung meaning nito. Pati yung talagang meaning. Nung time na tinype ko yun, actually, may pag aalinlangan ako, kasi nga baka nga kung ano ang maisip niya, kaso ang nanguna sa isip ko, yung talagang purpose ko. Ang purpose ko naman don is para isarcasm yung epal na yun. Oo, nga naman mali at masama nga talaga yung meaning, pero dahil tanga mode at bobo mode nga ako, ginamit ko pa din yun. Hindi ko naman alam na ganun talaga yun, ang alam ko, ginagamit lang yun sa sarcasm tulad nga nung ginawa ni derp na nakita ko dun sa 9'gag. tapos ayun. Isa na akong malaking makasalanan na nabubuhay dito. 
        At nang dahil jan, nag away kami. Hindi ko din alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon, pero, naiinis ako sa sarili ko at then same time sakaniya. Kasi, para jan lang gaganyanin mo ko? eh samantalang ipinapaliwanag ko naman. Hindi raw niya maintindihan. Masyado kasi siyang matalino :3 Naiiyak ako sa sobrang inis. Anyways, wala na naman akong magagawa diyan, mali talaga ko. Siguro ang magagawa ko na lang sa ngayon eh wag na ulitin yun kahit kelan at wag na lang gumalaw. For sure, aawayin na naman ako nun pag kinausap ko siya. 
         Sobrang natatakot na talaga ko magkamali. Pero bakit ganun? Lagi kong sinasabi sa iba, na hindi naman ako takot magkamali kasi Mistakes makes us. Na natututo tayo dun, pero ganun, kung kelan anjan na mismo mo yung pagkakamali- anduwag duwag ko tapos antanga tanga ko. Kaya nga, I blame tumblr for my high expoectations to boys. Yung papatawarin ka kagad nila, no matter what mistakes you've done, they will never leave you. (Nabasa ko lang) Tapos ngayon eto, hindi naman pala totoo. Pero sabagay, tama naman siya talaga. And I should pay for it. 
          If only you could read this.. haaay... :3 I'm sorry for my self-pityness. :( Gano'n lang talaga yung nararamdaman ko lagi. And I don't know why. May hinahanap lang siguro ako kaya ko to nafefeel. Ang arte ko no, pero ito talaga nararamdaman ko. And I'm really sorry for myself. Kasi feeling ko ang failure failure ko. Pilit kong inaabot yung expectations mo sakin (kahit wala naman) Pinipilit ko yung sarili ko maging kagaya nila para matuwa ka naman sakin, para maging proud. pero ano na naman tong pagkakamaling ginawa ko? Does it make you proud? Syempre hindi. :( Teka, bakit ko ba sinasabi to? E, parang wala naman ako ginawa para maging proud ka e. Halos lahat mali. Lalo na pag naiinis ka sakin, nagagalit, nalulungkot ng dahil sakin- Nararamdaman ko na failure ako. Kasi hindi naman kita mapasaya. Ayun. Ang drama ko no... Wala lang. Sabaw utak ko ngayon, wala kong maisip na maiblog kundi tong emote emote ko. haha :3 Kaya ayokong i open up sayo minsan yung mga kadramahan ko kasi nga magagalit ka na naman.  Tapos nun, pag di ko sinabi ako naman malungkot tapos malulungkot ka. Anuu ba. Ang gulo ko no? 
           Tapos, lalo akong naging failure dun sa nabanggit mong madami na nga saking nawawala, Isa akong malaking failure. I'M SO SORRY! :'( At isa yun sa mga dahilan kung bakit lalo akong nakaramdam ng pagod. Hindi ko na alam kung ano bang gusto kong mangyari? From the bottom of my heart. I'm sorry kung ganito si panget. =(
            Madami na ngang nawawala, maski yung simpleng lam8bing at sweetness at iloveyou. wala na. And sorry for that. Yun din yung hinihintay ko na gawin mo ng wala akong sinasabi kaso nga wala.. and i understand. Dahil din naman sakin yun. Kasalanan ko lahat to. 

Ayaw.

            Ayaw. Antagal. Asar. (TREBUCHET ang font ko ngayon) If you know what I mean :3 Wala pa ding pag unlad akong nakikita dito sa mga torrents ko. Nagmamadali na din ako ngayon kasi baka nga abutan ako ng manager ko na nasa harap na naman ng laptop. Tapos, teka lang, umuulan ba? Natuloy ba yung ulan? Kanina na naman kasi kumudlat, nakalimutan ko lang ikwento sa bi-nlog ko kanina. Habang kumakanta ako ng " After painting the town, you'll see I'm almost over you-ooo..."  Sabay, BOOM! kumudlat na. At ayun, tumigil na nga ako. Wala na ikwento ko lang. Tapos, kasi nga, wala na akong balita sa mga bagay bagay, kaya eto, mukha na rin talaga akong patatas. At syempre, parang paulit ulit na nga lang ang mga hinanakit ko, hindi ko na uulitin pang ikwento diba? Hahaha.
Tapos, dahil nga andrama ko ngayon. Pinapatugtog ko ulit yung almost over you. Nakakairita yung mga taong madadrama, kaya nga naiinis ako sakin ngayon e. haha :3 


              Hindi ko alam kung ako lang ba? Pero alam mo, andami ngang broken hearted sa tumblr, hahaha. natawa ko ng kunti. Tapos ayun nga, nakita ko tong mga emoted typo's. Andaming alam sa buhay! Parang gaya gaya lang sakin e, haha. Mag aanon sana ko e, kaso, baka lalong mag emote naman. hahahahhahahaha.


             Andito pala ko ngayon sa kwarto, kasama ko lang si manager, nag lalaptop din. Kumakanta kanta lang. Tapos ayun. ang tahimik kasi nga tumahimik na siya, haha. :3 Mai8ba tayo, yung typo na nilagay ko sa post na to.. Bakit nga ba ganun? Oh baka naman tayo lang ang nag iisip na hindi nila tayo iniisip diba? or sila din, iniisip din nila na hindi natin sila iniisip. hahaha. IPIS yung natatype ko e, naalala ko tuloy yung post ko dati. ISIP-IPIS. 

And then... we stop talking.


I know.


Inaantok na 'ko. E, kagigising ko pa lang naman kani kanina, wala na namang magawa kundi mag basa ng blog at mag check ng blog. (gawain ng mga taong walang magawa.) Ewan ko na, san ba ko? Sa walang magawa o walang ginagawa? Hindi ko din alam. Katatapos ko lang din naman gumawa kanina ng mga kapaki pakinabang na bagay dito sa bahay. At nakakainis kasi nga eto na naman tayo, nasayang na naman 'tong load ko. P50 pa naman, at ano naman ang mapapala ko dito? Papamigay ko na lang 'to sakanila. Hindi rin naman ako nag bebenepisyo sa tuwing nagloload ako, sila lang. Kaya talaga! naku. Last na talaga 'to. AS IN. Nakakawalang gana na talaga. Anyways, naging produktibo naman ako, kahit tanghali na ko gumising.Walang kasigla sigla ang mga tao dito sa bahay. Kaya nahahawa ako. Tapos, di pa matuloy tuloy yung alis namin. Ewan ko ba. Basta, problemado na naman ako ngayon. At nakakainis, kasi isang isyu lang ang pinoproblema ko, pero parang lahat nadadamay. Badtrip no?
Tapos, ayon nga, nag tiklop ako ng mga labahan, ang gulo e, pakiramdam ko pag lalong magulo nakikita ko, lalo ako nagugulo. :3 nakakairita. Haay. buhay... Tapos, bukod diyan sa picture na yan, pinicturan ko din ang sarili ko, kaso, di ko na lang i uupload, tagal e. 
Gusto ko lang pala ikwento na, excited na ko sa pasukan. At hindi ko alam kung bakit. Pano,gusto ko ng magkaroon ng mga bagong kaibigan, naiinggit nga ako sa iba, may pasok na sila. Eh samin, tagal tagal pa. Hay. Pero, okay lang. Wait lang a. Check blogs muna 'ko. Banned na kasi facebook e. haha.  Brb :)

Linggo, Mayo 27, 2012

Kaya kong mabuhay ng walang facebook.

-- Challeng accepted. Gabi na masyado, pinapagalitan na ko dito. At lahat patong patong na. Pasensya na sa pagiging madrama mahal kong blog. Ampanget panget mo na din katulad ko. Wala ka na ring laman na matino katulad ko. Kagaya mo na ko. At nababaliw na din ako, buti ikaw matino ka pa. Pero bukas, promise, okay na ko. Challenge accepted ulit. Gagawin ko lahat ng gawaing bahay bukas, para lang di siya maisip. pano, malulungkot na naman ako. Gusto mo, mag semento na ko ng second floor namin e. :3 Bahala na. Teka, bakit ko ba pinoproblema ang bukas? For sure, makaka survive ulit ako. kagaya ngayon. Matutulog na naman. At promise ko sayo, hindi na ulit ako iiyak. Hindi ako iyakin. Makikinig na lang ako ng radyo. Tapos mag eemote? joke lang. Basta. Hindi ko babasain ang unan ko. Paalam sayo. Sana bukas, iba na.

ako ay may lobo... ayun lumipad na.



You surprise me.


‎'the concept LAW OF USE AND DISUSE'
-lahat ng bagay na hindi ginagamit ay NAWAWALA.
mga bagay na 'di naiisip ay NAKAKALIMUTAN.
at mga bagay na hindi nakikita ay NAGLALAHO.

Tama siya, gano'n talaga ang buhay, dapat tanggapin na lang natin, na baka gano'n nga talaga. If it's meant to be it will happen, hayaan na natin. Dahil sa totoo lang, napapagod na din talaga ako, at nasasanay na wala siya. As in pagod na pagod na ko. At hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin. Napaka worthless ko lang. At dahil worthless ako, maiwan ako mag isa. Iikot at iikot ang mundo, hindi ako hihintayin ng sinuman, walang mag hihintay, kundi ako lang ang mag hihintay sa sarili ko. Kelan ba ko aayos? Andami ko ng mali, sobra, ang hirap hirap nung lagi na lang ako nagkakamali, tapos patong patong na. Nang dahil sa isang masamang salita, naging ganito. Haay. Napaka immature ng relasyon na 'to. At naiisip ko na ngayon, kung iwan man niya ako, magiging okay na lang ako, at hahayaan. Kung tutuuisin, mag ka-college na kami, madami na siyang makikilala, na mas okay sakin. Okay na okay, mag perfect. Kaya madali nang makalimutan ang mga taong hindi na nakikita. Gaya nung sinabi niya, Mga bagay na hindi na naiisip, nakakalimutan na. At tama. Baka nga gano'n na lang. Wala na kong maisip na paraan, Gusto siya ang maunang gumawa ng move, pero siya, gusto niya din na ako ang mauna. Baka mag hintayan na lang kami hanggang sa mawala. Pagod na ako... Sana hindi ko na maramdaman to. Yung pakiramdam na sobrang pagod na pagod ka na, parati na lang away, yung maghahanap ka ng kakaiba atsaka masaya, kaso, wala kang makita. Parang lahat sira na.. Akala ko, kilalang kilala ko na siya, ayun, nagulat ako sa mga sinabi niya ngayon. Kung tutuusin hindi naman ganun kalaking pagkakamali yun, pero bakit ganun? ang sinabi niya dati, hindi niya ako iiwanan kahit na nag aaway kami, pero iba ang nararamdaman ko ngayon. At kung totoo man yun, Okay na sakin. Hindi na ko hahabol. Kasi nga pagod na ko... Pareho na kaming pagod. 

I can't do anything..


True.


No, I can't.


Faded and unpretty...

     Nadidisappoint ako sa sarili ko. :( Ang worst ko talaga... Sa lahat!... antanga tanga ko talaga.. :(( sana pala di na lang ako nakipag usap dun. haaiy..     Tanga mode lang. SELF PITY? :| hahaha. dapat naman talaga ganon. naiinis ako sa sarili ko, pakiramdam ko, hindi ako worth it sakniya. :( ang drama ko! haha. totoo :( Mabuti pa yung mga nakaraan niya, napaka perfect. haha. sana ako din ganun no? :( Madami ngang nawawala, at kung alam lang niya, kung gaano ako nadididsappoint sa sarili ko. :'( Parang gusto ko na maging ibang tao at maging invisible. naiinggit ako sa iba :( bakit ganun? haaya.yyy.. NAKAKAINIS!!


mukhang di ko din to mapapakita sakaniya... kasi puro bitterness at kalungkutan na lang lahat... wala ng sense.. mukha na lang tanga..
Ambobo ko talaga.. :((( aayt.. I'm so sorry for myself. (wow. tama ba english ko?) Naiinis lang talaga ko........ Mabuuuti pa ung iba!!!! ako, nag seself pity na naman... aaaaayyy.. Sana maiba na to, sana mabago na ko.. sanaaa. :((

Sabado, Mayo 26, 2012

Wow.

                      Ako pa nga ang dapat mag tampo e. Halos minessage ko na siya sa facebook, nag wallpost, at nag text. Siya nga ang hindi maka response. Tapos siya itong magtatampo. =| WAAAH!!!!!!!!!!! Gaya nga ng sinabi ko, hayaan na lang natin. Kung gusto niya talaga akong kausapin, kakausapin niya ako, at gagawa siya ng paraan. Ang gusto ko lang naman, maramdaman ko siya. Kasi... naiinggit talaga ako sa iba, yung babae yung laging nararamdaman nila na special sila. Kaso.. ako... hindeee....... hindi ko mafeel. =/ NAIINGGIT AKO! sa iba.. sobra po. Mabuti pa yung iba, laging napapasaya nung taong mahal nila. ("ang drama ko.) Gusto ko lang naman na siya naman mauna. Kaso, hindi.. hindi talaga e.

BUTI PA ANG 222 MARUNONG MAGREPLY.. BUTI PA ANG 8888 MARUNONG MAG SORRY. EH YUNG MAHAL MO?



                         Sarreh, hindi ko naman tinetext yang number na yan e.
                   Isang mala patatas na gabi ang bumungad sa akin sa facebook. Lahat ng tao ay masaya, puno ng galak at may ilan-ilan ka pang makikitang manakanakang nagsusuyuan. Samantalang ako, nandito nag po-potate, nanunuod sa kanilang mga kasiyahan, at nag aabang sa pag asang dadalhin ng umaga. Ngunit hindi ko alam kung ang umagang hinihintay ko'y darating pa. ( Oo, ang drama ko no. hahahaha. )


At habang nanunuod sa mga kasiyahan nila, I was like Dug. =(  Inggit inggit din, haha. Buti pa sila. Hahaha. Inggitera ako! :( Okay lang... walang magagawa. Sana lang, mag pasukan na, para naman maging busy na ako kahit papano, kapag malungkot, hindi ko na maalala. Pag nag papause ako, naalala ko e, sa facebook, hindi talaga syempre maiwasan na malungkot ako. Nakakainis, kahit ayaw ko, e kaso, ganito talaga nararamdaman ko. (DRAMA KO. HAHAHAHA.!)



Natawa ako dito. So kailangan pag namimiss mo siya, mamiss ka din niya. Di ba pwedeng, busy siya, at ikaw, isantabi muna. Teka, napansin ko, bat ba andrama drama ko ngayon? :) 

Biyernes, Mayo 25, 2012

‘Yung hinahanap ka niya kapag ‘di ka nagpaparamdam. :”>



"Sige,hinahanap
 kase?
(toyo mode lang 
ako?) 
Alanganamang 
hanapin
ako no'n."

Okay.

               Alas dyes na ako ng umaga gumising, at syempre dahil nga isa akong mabuting anak, ako ang namalengke ng ulam  ("first time a) natuwa ako, kasi feeling ko ang galing ko. CHAR! Ajeje. =| hahaha.
               Tapos naalala ko, nagtext pala ako kagabi kay panget, syempre, as always naman- walang response. Eto ako, kumakausap ng kabute... Pero teka, kabute? E, nasa harap ako ng salamin. Ako pala 'yung kabute. Ang korni ko no? Ganiyan talaga ang epekto ng init at inis. Ayun nga, nagtext pala ako, as usual, syempre kahit naman papano no, nag aassume ako na baka naman kung anong mabuting hangin ang masinghot niya para mag reply sakin, kaso mukhang puro oxygen nga lang talaga ang nilalanghap niya sa ngayon. 
               At eto pa, nabasa ko kanina lang. A REAL BOYFRIEND: calls you for NOTHING, texts you all the time, wants to see you, cries, gets jealous, over protective & loves you.  E syepre, ako naman 'tong maka react react kala mo naman naapi. Dejokelang, sa panahon ngayon. Hindi naman e, kunyari lang yan. Sa mga nangyayari ngayon, at base na rin sa nararanasan ko, parang sa umpisa lang. Ay sus! =| Kabitter talaga e. Akalain mo 'yon? Walang reply. Okay lang. Sanay na ako. Hayaan natin siya sa gusto niyang mangyari. At dahil hindi naman niya alam sa ngayon na napipikon na ko, hayaan na lang natin maging cold war ang war na ito? (baket gyera ito? gyera???) Basta. Ang sakin lang naman, ginawa ko na ang part ko, na mag attempt kausapin siya sa facebook, nag message na, nag text na, nag wall post na, wala pa din e. Ang sistema dyan, kung ayaw mo, edi wag mo. Yun lang yun. Ano pa bang gusto niya ha? Ni hindi nga niya nagagawa yun ngayon e, at sarreeh ("sorry) sa aking puso na nasasaktan *wow ha! Drama ko lang.* PEE BEE BEE TEENS? ;| Hindi ko maramdaman na ako ay may sinta. Totoo. As in wala. At sanay na ako. Keri na lang. At napapansin ko ding, hindi naman  siya natatakot na sanay na ako.(" alam niya kase no? bobo mode lang ako?) Oo, pero okay lang. Darating ang panahon, darating talaga. Alanganamang hindi. 
             Anyways, bahala na siya. ako din bahala na. Bahala naa. Hayaan na natin ang ilog na dumaloy sa dapat nitong daluyan. Tumubo man ang patatas at maging patatas ang mga tao dito sa mundo... Gaya nga ng sinabi ko- Sanay na ako.
               
              
                          Ang awaw (araw) na ito ay pamagatan nating " Gwapo nga, wala namang trabaho" na nabasa ko lang naman sa jeep na sinakyan namin kanina. At bakit kami sumakay ng jeep? Malamang, may pinuntahan kami. At kung itatanong mo kung saan, aba 'e wag ka na magtaka dahil 'yun lang naman ang paulit ulit at nakakasawang puntahan ng duwag kong mga paa. SUPER MARKET- SUPER MALL- SHOE MART- SUPER MAHAL ng mga binebenta.
                           Actually, (mukhang nahihilig na ako sa actually ha?) Hindi ba pwedeng perpetually muna? Joke lang e, 'wag kayong tumawa. Actually, wala namang kuneksyon ang pamagat natin sa naturang artikulo. Pero gaya ng sinabi ko, ito ang unang una kong nabasa sa jeep na sinakyan namin kanina. Nakakatawa, pero totoo. Anyways, baka na naman lumayo tayo neto sa topic. Tara na't pag usapan ang mga kahindik hindik na naganap. Pero, joke lang 'yon, wala talagang kahindik hindik na nangyari, pabalat-bunga lang 'yon para ma excite kayo kahit alam ko namang walang ma eexcite.

Mura lang ang puso ko. Pero simula nung nakilala kita… biglang nagmahal.

              Wala nabasa ko lang din 'to ngayon ngayon lang, kaya pwede bang isingit ko to ha? ajeje. =|  Balik tayo sa kwento ko, ayun, masaya naman. Madami naman akong nabili- at puro damit, syempre kailangan ko naman yon sa pasukan no, one week kaming magsusuot ng civilian. Maganda naman, syempre ako pumili eh, kaso, akala mo naman gintong sinulid ang ginamit sa pananahi. Kabitter e.P artner yan. Oo, mukha lang talagang pugita 'yung nag susuot pero maganda yang damit. Edi sana naging damit na lang ako diba? =| Kaasar. hehe. Puro insert yan. pampakita ng tabs ko. Joke. Pero dejokelang, mas okay sakin ang naka tack in. Tik tak tik tak. :) 
                            Tapos kumain kami ng madami sa greenwich, ayon. nabusog ako... Busug! Madami din akong nakitang ilang mga kakilala. (Madami ta's ilan lang.) Gulo ko no! :D jeje. =| Basta! ayon. masaya naman ako. kaso, namimiss ko na si panget. At gusto ko din magpasalamat ng madami sa aking mga manager, na nagagalit na sa kasalukuyan, dahil gabi na nga daw... =)


Anong pakiramdam mo (ko) ?

          I large size natin 'to at i- subheading. Baket? 'di ko rin alam. Trip ko lang ipagmalaki ang nararamdaman ko. :) Masaya ako, kahit na nararamdaman ko'ng nagtatampo sakin ang bebe ko. hehe. Mamaya itetext ko na lang siya. :( Kasi naman siya ee. 'Yaan na yun! ;) Ang mahalaga siya ang mahalaga. 

          OOwww.. saluhin mo na ako! nahuhulog lalo ako sa'yo lalo panget :) 

 E feeling potographer e, ang cute lang ng kuha ko.












Blessie :)

Huwebes, Mayo 24, 2012

Ano pong...

 Ano pong masasabi niyo sa balitang nagbabadya na daw ang pag baba ng presyo ng gasolina?



-- Actually, wala akong alam dyan, dahil una sa lahat. Wala akong kotse-Uba. At kung meron man... Ba't naman ako magkakaroon non? Pero, mabuti yon para sa mga motorista sa S-lex at N-lex. (Hindi ko alam kung bakit sinabi ko'ng mas mabuti yun para sa S at N lex.) Ang ibig kong sabihin, mabuti para sa lahat yan, para naman kahit nag kakalat kayo ng polusyon sa mundo e may kunti kayong benepisyo, bago kayo mamatay sa air pollution, nakamura naman kayo sa gasolina e. Pero, niloloko na lang tayo ng mga nilalang sa mundong to, ang 11 litres na diesel 500php na. So, hindi na baba yan, at kung mag roll back man joke na lang yon. Strategy na lang yon. ;) Rememebah!


Ano pong masasabi niyo sa mga taong galit sa mga taong nasa Pulitika?

-- Sige, magalit lang sila. Tingnan natin kung may magagawa yang mga reklamo niyo sa Gobyerno, Magrally kayo o gumawa ng mga banner o poster o yung malalaking replika ni P-noy na sinusunog niyo na sinasayang niyo lang ang pera niyo sa pag gawa ng mga yon tapos susunugin lang o kung ano pa man. Basta, isa lang ang payo ko. Ano kaya kung yang nira-rally rally niyo e, itinatrabaho niyo na lang no? Para naman ma promote kayo sa trabaho at sumahod ng malaking pera para hindi na sisihin ang Gobyerno tungkol sa kahirapan. At dahil nga mga dakilang buwaya sila. Wala kang magagawa don, baka nga pati ikaw, kainin nila. Sige ka. ;)

Ano pong masasabi niyo sa mga bigo sa pag-ibig?

-- The way na nabo-broken heart kayo MASAKIT! 
-- The way na nakikita niyong may kasama siyang iba MASAKIT!
-- The way na binasted ka niya MASAKIT!
-- The way na na attract siya sa iba MASAKIT!
-- The way na mas maganda ang pinagpalit niya sayo MASAKIT. ;)

Ano pong masasabi niyo sa pagkatalo ni Jessica Sanchez sa American Idol?




-- Nasayang ang mga banners at laway niyo kaka cheer sakaniya. Pero sa kabilang banda maganda yan na nagpapakita kayo ng ng suporta sa kapwa Pinoy. Marami pa siyang pwedeng maabot, tulad ng broad casting tutal maganda naman ang boses niya. ajejeje. Ang akala ko nga nung una, anak siya ni Jessica Soho at Korina Sanchez e, kaso naalala ko, babae pala sila pareho. hihi ;) Tsaka, di naman ako nanunuod ng American Idol, kasi english, you know, I can't understand english, I can't relate e.






  Hmm.. 369 lang 'to kagabi ba't  380 na? Nilista ko yun ah. Bakit iba na? nabulag ba ako?

  NAKAKA PAGTAKA. 

Dictionary ba ako?
      Kasi... lahat na lang ng bagay binibigyan ko ng kahulugan.( TOTOO TO. )
Wala bang internet?
       Kasi... walang facebook e.
Puro blog na lang ba?
       Oo, kasi tinatamad muna ko sa RCT3.
Wala na ba kong idea?
       Oo, kasi, naiinis na ko.
Wala na ba akong mata?
                                                                                          Oo, 369 lang to e. tapos 380. =|




I don't want to live on this planet anymore.




Let's just do the potato song.and the doggy break dance.

    Kaasar.. walang facebook. Okay lang.. (kaasar tapos Ok lang?) Nakaka hilo lang ang magbasa ng mga kung ano anong ka ek-ekan na naman ng mga tao sa mundo.. (bitter?) di naman.(pero bitter talaga) Tapos sa tumblr, napupuno na naman ng polusyon.
 yes. KILL ME. NOW!  Dahil ako din madaming ka ek ekan. diba. hahaha.

         Me Killsta. :( Tapos dahil wala ngang facebook, at wala na ding tumblr (trash can), at wala na din akong ideya na maisip sa amusement park ko na hindi naman yata nakaka amuse, at dahil wala na nga talaga akong masaid na isip ko dahil andami kong dahilan kahit wala namang kwenta. Ayon. Wala talaga. Balik na naman tayo dito sa kulungan ko. (Kulungan?) Miserable? =| awwwww... kawawa naman ako :D hahaha. JOKE! :P

       Tapos etong typography na 'to na nakita ko lang kanina na medyo nakakatuwa naman kahit 1% dahil totoo naman. Ang mga tao kasi ngayon, mauso lang ang TUMBLR kahit wala namang naiibblog na maganda nag bblog! (Parang ako.) haha. =|
       Yung mga tao sa facebook na kung maka chika sa PBB akala mo sila si MYRTLE AT YVES AT KUNG SINO MANG KIM BALOT yon na mukhang mahilig kumain ng balot. "Penoyyy...Balooot..Balooot..." PEEE BEEE BEEE TEENS? =|
        Tapos mga kung ano ano pang ka echusan sa buhay. Maka sabi lang ng TRUE STORY AT MEGUSTA AT kung ano ano pa. (Parang ako ulet)
       Tapos yung mga bitter sa masasaya ang buhay pag ibig post pa ng post sa kabiteran (ako ba to?) Dahil nakaka bitter talaga. =| pero, hanggang bitter lang ako at hanggang blog lang naman tayo. Hindi na natin kailangang pumunta sa facebook para lang malaman ng mundo na ako ay isa ding die hard fan bitter. wala lang. may masabi lang.(actually, hindi ako galit. Hindi ko alam kung bakit ito ba ang pinag uusapan natin) (NATEN? May Naten ba?)
        Tapos puro ako tapos. Madami pa akong napapansin na alam ko namang walang konek sa typography na 'to, actually, lumayo na tayo sa topic e. Natawa ako ng konti =| Okay, ayoko na mag salita tungkol dito, basta ito ang huli kong salita kahit na sinabi ko ng ayoko na magsalita. " Wag gaya gaya dahil puto maya ka at lalaking buhaya!" Bow. Bow-wow-wow-ow.


Miyerkules, Mayo 23, 2012


Wala talaga akong magawa, hinihintay ko siyang kausapin man lang niya ko. Alam naman niyang nagseselos ako kanina, tapos ganiyan. Sabagay, Kasalanan ko din. :| Ayoko na maapektuhan sa mga gano'ng bagay. Pero. WHY? OH WHY? :|

Kaya eto, sabi ko mag RCT3 na lang ako. pero. okay. Out na na lang. :|

Hindi pwede.



Pasensya ka na sa pag sisinungaling, pero hindi mo nga to pwede makita ngayon. Sa susunod na panahon na pag naayos ko na to. Daming bad memories e. hahaha. :| Basta. Pasensya ulit mahal.. Kailangan ko gawin to.


KINABAHAN AKO BIGLA. MAYGAD.

Biyernes, Mayo 18, 2012

Ikaw lang :)


Masasabi ko'ng maswerte talaga ako sa aking minamahal. Sa ngayon, kahit madalas kaming nag aaway, at kahit nag susumpaan na kami na i bblock ko na siya, kakalimutan, aalisin sa buhay o kung ano pa man, hindi ko siya magawang iwan. Mahal ko 'e. At mahal din niya ko.

Hindi dahil sa may pinang hahawakan ako sa mga sinabi niya noon, actually, salita lang yung mga yun eh, hindi talaga yun eh. May tiwala lang talaga ako na hindi niya ako iiwan. At may tiwala ako sa relasyon namin. Madami akong pangarap sakaniya. Sobrang dami, gusto ko siya yung papakasalan ko, magiging ama ng mga magiging anak ko. Yung taong katabi ko sa pag tulog at sa pag gising. Yung yayakap sakin kapag andyan na yung sandamakmak na pro8blema sa 8buhay. Yung taong tutulong saking magla8ba ng mga damit ng mga anak namin. Kasama sa pamamasyal, kasama sa lahat lahat.
 Dati, iba ang tingin ko sa mga lalaki.- Pare pareho lang. Manloloko, manyak, walanghiya, at napaka unfaithful. Pero binago niya. iba si panget, ibang iba. Alam niyo yung feeling na ayaw mo na siya pakawalan? ("natawa ako, hahaha. Ayaw talaga pakawalan? Nasa kulungan? PBB TEENS? agad? agad agad?) 'De, pwera biro, talagang ito nararamdaman ko, Yung feeling na ayaw mo na ng iba, kahit andami kong nakikita gwapo. EH. ayaw. eengkk. At kahit anu't anu pa man, mahal ko siya at hinding hindi ko siya ipagpapalit sa iba. At naniniwala naman akong ganon din siya.

Gusto ko siyang kasama lagi, pag kasama ko yun, nako. Kulang ang isang araw sa kulitan at kachukaran sa buhay. Basta! Isa lang ang nasa isip ko. Gusto ko maging Mrs. Agoncillo ha? :)
Iloveyou Panget!!!

Miyerkules, Mayo 16, 2012

This is cute :''>



She's scary beautiful.

There's something wrong with your secrets Esther.

  Can you keep a secret?


           Napanuod ko 'to kanina, sa sobrang ka borringan ng aking talambuhay. Naisip ko'ng manuod. Hindi ko naman balak na manuod ng horror movie ng mag isa no. Nakakatakot kaya. Pero see? Kinaya ko. Hindi ko rin alam na horror movie itong Orphan, hindi ko kasi ini scan yung mga parts. Kaya ayun, nagulat ako. 
            Si Esther, ang batang matanda. Ang batang matandang mamamatay nilalang na inampon ng isang pamilya. Ay nako. Kaya ako, pag lumaki na ako, hindi ako mag aampon. Hahaha. 
            Sobrang cute cute cute ng movie na to, hindi ko akalain, na matutuwa ako ng ganito. Ang cute pa niya, kahit nang mumurder siya no. Talented. Maganda. Matalino pero, - MASAMA. hahahahaha. (evil laugh)

Napaka chraming. UMAYGASH!!! Totoo ngang, looks can be very deceiving. :) Pero I like her, At the way na mag seduce siya ng tatay niya, - ang cute, nakakatawa. Gustong gusto ko yung the way ng pag sasalita niya. Napaka fluent :''>



Secretive and Manipulative ang attitude ng batang 'to. Kahinahinala ang mga kilos. Napaka marahas. Pero I like it! Creepy and Cute :)




GUSTO KO ULIT PANUORIN! :) ng kasama si Panget... For sure, matutuwa yun!

Martes, Mayo 15, 2012

L.O.V.E

Mr and Mrs Potato ♥  

                            Maswerte ako dahil sakin siya at hindi siya sa iba. Ngayon ko lang nakikita kung gano ako kaswerte dahil ako ang pinili niya. Madaming nag aaway na mag partner sa facebook ngayon. Ang babaw ng mga pinag aawayan, dahil lang sa privacy? dahil lang sa pag aattempt na hiwalayan? Kung sabagay, naranasan ko na din naman yan. Pero, di naman kami yung halos buong istorya eh ittrend sa facebook. Kaya, natatawa na nga lang ako sa mga nababasa ko eh. Minsan, naitatanong ko sa sarili ko, alam kaya nila yung totoong relationship? Kasi ako, Oo, alam ko :)
                              Minsan lang talaga, akala natin wala na, parang ipis lang yan eh, akala mo, purkit nahampas mo siya ng walis eh patay na, hindi mo mamalayan, mamaya lilipad at dadapo na ulit sa'yo. At kung hindi natin mararanasan sa relasyon yung mag away, walang lambingan. walang mag sasabi ng i miss you, i love you, sorry, at ayokong mawala ka. Sila kasi, takot magbaba ng pride. Hindi naman magiging kawalan yun sakanila. Actually, pag nag aaway nga kami, naiisip ko, kung gagawin kaya niya sakin yung ganito, matutuwa ba ako? at kung ano yung naiisip ko. Yun ung ginagawa ko. Kasi alam ko, pag sakaniya ko ginawa yung gusto ko na gawin niya sakin, magiging masaya siya :)
                              Kaya minsan, yung mga away, na natutuloy sa hiwalayan. Pride ang pinag mulan nun. Paano, walang gustong mag sorry at umako ng kasalanan, Alam mo, Kahit sino pa man yung may kasalanan, kung mahal mo talaga yung tao at ayaw mo siyang mawala, aakuin mo yun, para lang matapos na yung away niyo at para lang hindi siya mawala sayo.
                         Kaya kung ako sainyo, ingatan mo kung anong meron ka, maaring yung napunta sayo eh endangered na. Mahalin mo yung taong, di ka nag aalala kung matu turn off ba siya kung sasabihin mo sakaniyang natatae ka na, makati ang ilong mo kasi parang may kulangot, yung hindi mo kailangang magpretend kapag kasama mo siya dahil lang baka maturn off siya. 'pag nahanap mo na siya, wag mo na pakawalan. Pero hindi ko naman sinasabing yan lang ang maging pamantayan mo sa pag ibig. Mararamdaman mo naman yun eh. :)

                       Minsan, nag hahanap lang siguro tayo ng sweetness from our parter, minsan madidissapoint tayo pag hindi nangyari yung gusto natin. Pero, hindi ibig sabihin nun, hindi na tayo mahal ng taong mahal natin. Laging tatandaan, ang sweetness ay hindi sukatan ng pagmamahal. 


                 Pero, laging tatandaan, piliin mo kung saan ka magiging masaya. Kung sa move on ba o sa go with the flow.