Sabado, Setyembre 28, 2013

Napakaswerte ko at mayroon akong Ronelyo sa buhay ko.. Yung hindi ako papatulan kahit na sinasaktan ko ng pisikal noong mga panahong may dalaw ako x) at yung mga panahong sinaktan ko ulit siya ng pisikal noong nagtatampo ako sakaniya dahil nanunuod siya ng tv at wala sa akin ang atensyon niya. x) Yung lalaking talaga namang trip na trip kumain ng bituka ng baboy kasama ka, mag ggrocery ng mga kakainin niyo kasama ka, susuklayan ka kahit na buhol buhol ang buhok ko... Yung magagalit ng sobra dahil nag aalala sa  pagsakay sa motor ng iba, Yung grabe mag concern at akala mo tatay mo kung pagsabihan at sermunan ka, Yung lalaking hindi mo naman kailangan magpaka perfect kapag kasama mo siya, yung hindi mahihiya sayo, at yung parang pusa na nag iiyaw sa tuwing hahawakan mo yung leeg niya, yung inginginig niya yung ulo ko, yung lalaking hindi nahihiyang magpalinis ng tenga niya,yung hihiga sa hita mo at mangungulit, ikikiss yung tiyan mo... yung magbabakla baklaan para matuwa ako, at yung yayakapin ako ng sobrang higpit na halos matumba na kami pahiga sa sofa nila, yung lalaking hindi nahihiya kahit na tanggalan mo siya ng white heads at hindi naiinis pag inaasar mong ..."Nasa dagat ba tayo? Andami kasing seaweeds oh" sabay turo sa binti niya, Yung makikipagtawanan sayo kahit labas na mga ngalangala niyo, yung manunuod ng movie kasama ka, (nanunuod nga ba) yung lalaking pwede mo maging bestfriend na mapag sasabihan mo ng mga sikreto, sama ng loob, reklamo sa buhay, Kapatid na pwede mong awayin pero mamaya o bukas lang magbabati na kayo, kaklase na pwede kang magpaturo ng mga lessons, tatay na pagsasabihan at sesermunan ka dahil sa mga mali mong ginawa, yung patuloy ka pa ding iintindihin kahit isa kang childish at napakamalditang babae,at  hindi mag sasawang iparamdam sayo na espesyal ka, asawa na ... if you know what i mean, (dejokelang) yung bang papangarapin yung future niyo, magpaplano para sa inyo at boyfriend na hindi nagsasawang magmahal sayo kahit gaano ka ka imperfect at kahit anong mangyari.. Kaya mahal, kung minsan nararamdaman mong hindi ka espesyal, patawarin mo po ako.. pero pangalawang lalaki ka na minamahal ko, syempre una tatay ko, Kung wala siya, wala ka sanang kunsumisyon ngayon dejokelang.. wala sana keena na magmamahal sayo ;)


I love you panget.. isa to sa mga araw na hinihintay ko lagi.. Yung kasama ko ikaw <3 yung tayong dalawa lang :) yakap.. kiss.. harutan.. kulitan.. at marami pang iba.. (iykwim) ;) masaya.. masayang masaya talaga to.. parang its a total relief everytime na magkasama tayo.. parang pambawi ba sa lahat ng stress at kung anu anong kalungkutan the whole week na hindi kita kasama.. Ang hirap ilagay sa salita kung gaano ako kasaya pag kasama kita... at kung gaano ako kalungkot sa tuwing wala ka o magkaaway tayo. Sa tuwing nagtitiisan tayo. :( Sa tuwing nararamdaman kong hindi mo na ko lab (kahit lab mo pa din naman ako, at nag iinarte lang talaga ko) sorry kung sinabihan kita ng ihateyou.. :( dapat hindi ako nagsasalita ng mga ganung bagay sa kahit anu mang nangyayaring away satin :( Mahal kita..

-This was my post in drafts last October 13, 2012. And hindi ko na naipost, because my purpose was just to pour out my feelings... Nostalgic...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento