Sabado, Setyembre 28, 2013

I am back.

         Basically, hindi naman ako nawala. Eto, nag laylo lang. Wala akong 2013 post dito ah! Ah alam ko na, tanda ko na... Isa sa mga kadahilanang may nakahanap ng aking tahanan sa di sinasadyang pagkakataon, Yung kaklase ko, I mean, kaibigan kong ewan ko ba kung ano ginawa at napunta siya dito. Natakot ako, kaya hindi na ako nag post ulit. Anyway, sa pag balik ko, wala na yung taong bitbit bitbit ko sa isip ko sa tuwing pupunta ako sa tahanan ko ito. Wala na siya. I mean, hindi siya pumanaw or whatsoever. Umalis lang siya, napunta sa ibang tahanan dulot ng di maipaliwanag na pangyayari at kahit siyensiya hindi kaya ipaliwanag. Basta ang alam ko, wala na siya. Pero hanggang ngayon naman bitbit bitbit ko siya eh, kaso hindi na. Alam mo yun? Hay nako naman.
         Ewan ko ba, at bigla ko na lang naisip na bumalik dito. Wala, siguro to find some comfort. Ito lang naman ang original na tahanan ng puso at isip ko. Charot. Pero totoo.       Gusto ko lang ikwento sayo na wala na akong ikkwento masyado tungkol sa kaniya sayo ngayon kasi wala na kaming koneksyon. I mean, hindi na kami nag uusap. Maaring maikwento ko siya pero lahat ng ikkwento ko ay memories na lang...
         . Hindi ko man aminin, pero eto na nga! inaamin na nga. Masakit kaya! Ang saya saya na pala niya sa iba eh. Akala ko, hindi niya ako makakalimutan. Akala ko lang yun. Akala ko nga malulungkot siya kasi wala ako. Pero, okay naman siya. Parang sa bawat moment na nakikita kong masaya siya eh sinusupalpal niya ako ng katagang... "Look! Im happy without you." Hay... Syempre ang lola mo masyadong impakta din, nagpapanggap na okay kahit hindi okay! Shunga ko. Pero siguro, mas shunga ako kung ipapakita kong malungkot ako habang siya masaya... Dakila lang ang peg?
           Three months na ang nakakalipas, akala ko naka move on na ko. Charot! Tapos nakita ko ulit yung pangalan niya... Boinks! Parang nag back to zero ako. At naiinis ako sa sarili ko. I hate myself for letting this to happen. Be strong naman kasi! :( Masaya na siya sa iba. TAPOS.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento