“Sus ganiyan din yang internet namin. Maganda lang sa una,
pangit din naman sa huli… parang sa relasyon, sa una lang sweet at puno ng
effort, sa huli. Wala na.”
Yung tipong bihira na lang kayo magkita, sasabihin pa. “ Kaka
kita lang naman natin last day ah?”
- Samantalang noong una, halos araw araw na ginawa ng Diyos, kulang na lang magkapalit na kayo ng mukha.
“Hindi naman ako busy eh, bakit mo ba pinipilit sakin na busy ako?”
-Hindi raw busy, pero nasan na siya ngayon? Idadahilang hindi pa nakakaligo at baka mapagalitan pag nagkita. Pero ano nga ba noon? Halos araw araw magkasama. Nasaan ang salitang…”Baka pagalitan tayo?”

“Good morning! Iloveyou!”
-noon yan, halos araw araw yang bubuo ng araw mo. Tuwing umaga na lang kikiligin ka. Pero ngayon. Plakda. Ni isang text hindi makapag text. May load pero tsaka lang naman magtetext kapag nagtext ka na.

“ Sorry po”
- Sasabihin noon sa tuwing may magagawang hindi maganda. Pero ngayon sasabihin na lang kung kelan nagagalit ka na.
- Sasabihin noon sa tuwing may magagawang hindi maganda. Pero ngayon sasabihin na lang kung kelan nagagalit ka na.
Magtetext kung hindi makakapunta sa usapan, pero ngayon “
Alam mo naman na hindi ako makakapunta eh.” Kaya sibat na agad, ganon? “Hindi
ka rin naman nag tetext eh” at kailangan pala, ako pa ang mag tetext dahil ako
ang naghihintay.
“Out na ko bye.” – Bakit? “Wala.wala”
Lalayasan ka ng walang dahilan. At kapag naghintay ka kung babalik pa siya, magagalit siya at sasabihing “ Oh bakit ka nagagalit? Sinabi ko bang maghintay ka?” – At hello? Ano bang malay ko? Wala kang binibigay na rason, kaya gumagawa ako ng sarili kongsagot. At oo nga naman, kasalanan ko pa. Kasalanan ko pa na mawalang ganahan ako sa isang taong kulang na lang ipamuka na sayo na hindi ka mahalaga.

Ang sabi ko… “ Sige, laro ka muna, tutal kanina pa naman tayo
magkatext”
-Sa matino at may pagpapahalagang kasintahan, sino ang mas uunahin niya? Kahit sabihing kanina pa kayo mag kausap. Dahil ba boring na? at wala ng kwenta kausap si girlfriend? Dahil madalas manubok si girlfriend. Lagi siyang nadidisappoint.

Dati feeling niyo kayo ang kinaiinggitan ng lahat, ang sweet,
cute, at kung anu ano pa. Pero ngayon, mas masahol pa kayo sa patatas na hindi
nadiligan at nabulok na lang sa ilalim ng lupa.
Kung ang priority dati ay ikaw. Ngayon nararamdaman mong
hindi na. Oo nga naman. Isa o dalawang beses sa isang linggo. Pero ang sabi
niya noon, “ Sus, kahit nga araw araw pwede tayong magkita, kaya wag ka na
malungkot.” Pero ngayon. “ Sus, eh diba dati din naman inuurong na din naman
natin yung celebration ng 17.” “May screening kasi ng bla.blah. at kung anu ano
pa.”
Kung sabagay, ano pa nga ba naman ang magagawa natin sa oras?
Iba ang noon sa ngayon. Noon OKAY ang lahat. Ngayon K na lang. Madalas kang
nagagalit sa mga bagay bagay na hindi mo naman mababago. May mga bagay talaga
na kahit ilang beses mo ipagduldulan at isampal sa mukha ng ibang tao, hindi
nila maintindihan.
Parang litrato din yan, naluluma at kumukupas. Tapos unti
unting mawawala ang mukha ng mga nasa litrato… hanggang sa makalimutan na ito.
Pero minsan hindi nakakalimutan, minsan pinanghihinayangan, bakit pinabayaan.
Nakakapagod. Aasa ka na kapag sinabi mong wag kang pumunta at
alam niyang galit ka na. Pupunta siya. Kasi nga galit ka, at hindi niya
palalampasin ang isang araw kung kaya naman niyang mapagaan yung loob mo. Ang
korni. Pero, kung tutuusin totoo. At kung ito ang gusto ng mga babae, at sila
lang ang nakakaintindi sa gusto nila, Bakit kaya hindi na lang nila asawahin
ang mga sarili nila para lumigaya sila?
Madalas dahil sa mga ganitong bagay, pakiramdam ko, single
ako. Na sa tuwing makakakita ako ng mga mag nobyo’t nobya,madalas na naiinggit
ako. Nagagalit, at iniisip. “ Hanggang ngayon lang yan, sa susunod mawawala din
yan”
Pero, masaya naman, yun nga lang. Sandali lang, magkakaroon
ka na naman mamaya ng dahilan para maging malungkot. Ganiyan talaga ang buhay,
minsan okay minsan hindi. Pero wag mo pilitin ang isnag tao na lumugar sa dapat
nilang kalagyan, dahil kung talagang mahal ka niyan, lulugar at lulugar yan.
Hindi mo na kailangan maghabol, mag utos, magalit, mainis, at humingi ng
importansya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento