Huwebes, Agosto 9, 2012

Alam kong hindi mo na 'to binabasa masyado.. pero.. :)


BEBE! mahal na mahal kita :) At kahit alam kong napaka maldita ko, napaka reklamador, demanding, MATAKAW sa lugaw, burger at bbq, eh minamahal mo pa din ako :)


" Ang buhay parang bato... It's hard" 
- nakita ko lang yan...

Madaming away, at kung anu anong kaechingan ang nangyayari, pero alam kong malalampasan din natin to (drama ko... may pinaghuhugutan lang :p) Madalas nangungulila lang talaga ko sayo... nakikita ko kasi tayo sa iba... na iimagine na sana tayo lagi magkasama.. pero parati kong iniisip na sila hanggang ngayon lang... tayo hanggang sa dulo pa! :)

Mahal na mahal ko ikaw... at hindi ko na kayang mai elaborate pa. Kahit pa pangit ka minsan, pero shempre gwapo ka noh! kahit mabaho ka, kahit hindi ka nag tootootbrush, at kahit madami akong nakikitang mas gwapo at mabango... ikaw lang ang gusto ko. Pasensya na kung nagagalit na ako madalas kapag nagkkwento ka sakin. Pero, sana maintindihan mo na iba ang pakiramdam ko lalo na magkalayo tayo, totoo. malungkot sobra, kaya naiinis ako kapag ganiyan ang mga pinag sasasabi mo.. Pero alam kong natural lang yun. At paranoid ako. :p Pasensya na mahal.. 

Madalas talaga kong naiinis sa sarili ko... kasi yung mga dati nating ginagawa halos ngayon hindi na... tulad niyang pagkain kain natin sa kung saan. Sobrang malaking kabawasan sa kalungkutan ko yan. Pero hindi ko naman sinasabing everyday tayong gumora bels.. :p hahaha. Gusto ko lang sabihin na, sobrang saya ko! at appreciated ko lahat.. <3 Hindi ko kailangan ng SM, starbucks, pizza hut or whtvr. :D Basta kakain tayo ng madaming madami... ng magksama :p

Mahal, ang maldita ko, at sana pag nagkaanak tayo... hindi magmana sakin. waahahahhaa. :D pero ang maldita ko talaga! :( madalas kitang sinasagot sagot kahit alam ko namang mali ako... tapos kitams, sa huli ako din naman tong susuko. Alam kong nakakabusit ako. Pero.. :( sorry na talaga. Aminado naman ako... kaya nga sorry po..

HAAAAY. :P eto lang naman ang gusto ko talaga... Yung mafeel na tayong dalawa ay dalawa! :p jk. Yung parati mo akong niba baby :< :p hahaha. gustung gustu ko talaga yun! atsaka kapag ninginginig mo yung ulo ko tapos GIGIL! :P hahahaha.. gustu ku talaga yun... atsaka kapag nagpapa cute ako :''> nalalaman mo agad.. :p Tapos pag kumakain, pupunas bibig :p tapos hawak braso pag naglalakad.. 

Atsaka naiinis ako madalas alam mo ba, kapag hindi nila nararamdaman na may gelrpen ka! naiinis ako... gusto kong ihampas ung yelo sa pader para makainom tayo ng malamig na coke. wahaha. dejoklang! :p Pero srsly. :( isa yan sa mga ikinamamaldita ko... pero alam ko namang darating tayo sa ganiyang mga pagkakataon... 
Sabi nga, ang sasakyan  pag wala ang isang headlight, baka mapagkamalang single. if you know what i mean...>_< diba! pero.. ano pa nga ba naman ang magagawa ko... hindi naman kasi talaga sa lahat ng oras eh nakasuksuk ako jan sa kilikili mo... diba..

Ayun lang naman. Gusto ko lang naman iparamdam mo sa lahat lahat! at kahit sinong babae na hindi ka nila pwedeng anuhin :p o anuhin pa man.. at kahit ayokong maging mabait ka sakanila.. dapat gustuhin ko.. kasi nga.. alam mo naman ang buhay mo. Napaka demanding ko. pero tama tong sinasabi ko. pero... mali. waaah! mga.. 5%..

Pero kahit madalas talaga.. ewan ko ba, naiinis ako sa mga walang kakwenta kwentang bagay... Mahal ko pa din ikaw! :p at wag mo ko iiwan. Pag ako iniwan mo jan... pag sisisihan mo yan :D (drama lang peg) :P HAHAHAHHAHA. Pero srsly. Pag sisisihan mo un. kaya ngayon pa lang mag isip isip ka na :p

i love you! :p at gusto ko lang sabihin sayo at ipaalala ulit, na wala akong crush :''> IKAW LANG :P at wala akong pakialam kung sinomang halifarut na babae ang kumausap sayo (kahit sa totoo lang, may pakialam ako at nagseselos ako) PERO HINDI AKO NAGSESELOS! :P wahahahaha. basta.. alam ko namang plastic ka! :| chusero to. PERO SAKIN KA LANG DAPAT MABAIT DAHIL AKO ANG ASAWA MO! Hindi mo naman sila asawa ha. wala ka namang anak sakanila, kaya walang dahilan para maging mabait ka sakanila. jk :D 

AKIN KA LANG! ITATAK MO NA YAN SA UTAK MO :P :*
AT SA PUSO MO OY. 

YAKAAAP!!!! :) sana mabasa mo to..
at sana habang binabasa mo to, hndi ka naiinis... sana nakangiti ka :)
at sana kinikilig ka pa din sakin, dahil ako, kinikilig pa din ako sayo :''>
at sana wag kang kikiligin sa iba.. dahil hindi ako kinikilig sa ibang lalaki..- kinikilabutan ako sakanila! :3

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA! :)
ABU. ABU. ABU!
ILOVEYOU! :)

Kahit madalas nag aaway tayo, DON'T GIVE UP ON US BABY! (kanta to) :p hahaha. :*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento