Huwebes, Abril 5, 2012

Malungkot na patatas

Ano pa nga ba ang ine expect ko sa blog ko..?
eh puro kalungkutan lang naman ang laman nito, mabuti na lang pala eh hindi ko sinabi sakaniya na may ganito ako.. Magiging isang malaking hidwaan lang lalo..

Ayun, naging isang busy'ng patatas ako ngayong araw. Kahit wala naman dapat pagka abalahan eh naging abala ako sa mga bagay bagay, ayoko ng walang ginagawa... naaalala ko lang siya. shempre, lalo lang naman akong magiging malungkot. Kumusta na kaya yon? Naalala din kaya niya ko? Namimiss? Naiisip niya kaya na sana magkabati na kami? haay.. Gusto ko na naman talaga makipagbati eh.. Kaso, galit daw ako... e hindi na naman.. Hay. hayaan na nga yon..

Sa susunod na panahon na lang kami magkikita, bakit ba kasi madalas nasasayang ang oras at panahon namin sa mga walang kwentang away na 'to? haay. nakakairita talaga.. pero, yaan na.. magiging maayos din ang lahat. Hindi nga lang ngayon.. Baka bukas... bukas... oh.. sa susunod na bukas pa.

Mukhang masaya na naman siya, nakita ko nga eh may nila like na syang mga picture, ang ganda kasi nung babae. Hindi naman ako nagseselos, Konti lang naman.. shempre, hindi yun maiiwasan lalo na sakin. haay.. nakakainis yung ganitong pakiramdam.. Yung wala kang magawa.... wala.. :'( Kundi maghintay.. at baka.. sa wala na naman.. Paalam..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento