BISTADO
(pamagat yan, nabasa ko lang sa likod ng jeep, natawa ako, with matching sound effect pa ng G6)
Isang masayang araw sa ilalim ng bikini bottom. Masaya naman kahit nakakapagod, Pansamantala ding nakalimutan ang mga stress, problema, kunsumisyon at kung anu anu pang BAD VIBES..
EAT ALL YOU CAN
DRINK ALL YOU CAN
SLEEP ALL YOU CAN
LAUGH AS YOU CAN
BE HAPPY AS YOU CAN
AND
EXPERIENCE MUCH AS YOU CAN HAVE :)
Oo, sa umpisa talaga eh nakakatamad na bumyahe, lalo na hindi naman kami nag rent ng van at nag commute lang kami. Pero alam mo, mahirap nga, pero napakaraming bagay ang ma aappreciate at matututunan mo kung makikisalamuha ka sa ibang tao. Marami kang makikita, pangit na bagay na maiisip mo na kahit kelan hindi mo yun papangarapin, mga magagandang bagay na papangarapin mo, mga ideas, at mga maliliit na bagay na kapag naappreciate mo, masarap sa pakiramdam. Oo, malungkot ako, pero nakalimutan ko yun saglit. At isa pa, ayoko din namang malugmok na lang ako sa kama ng kalungkutan. (wow. lalim non teh.)
Madami akong nakita, mga simpleng bagay, mga tao, at kung anu ano pa. Isa lang ang narealize ko, No matter what is happening to your life, it's just a simple problem, alam mo, mas marami pa ding tao ang naghihirap ngayon, nakatira sa estero, sa ilalim ng tulay, sa gilid ng mga building, nagbebenta ng basahan, nag bebenta ng sigarilyo at kung anu anu pa para lang kumita, pero tayo? nag rereklamo pa tayo, dahil lang sa sawa ka na sa mga pagkain, dahil lang wala kang pera pang load, dahil wala kang kasama mag sm, dahil wala kayong internet, dahil hindi ka crush ng crush mo, dahil heart broken ka, at dahil pakiramdam mo ikaw na ang may pinaka malaking problema sa mundo at gusto mo ng matapos ang buhay mo. Hindi natin alam, marami yung nagugutom, bata bata pa nagttrabaho na para makakain, pinaghihirapan nila yun, samantalang ikaw, kukuha na lang sa ref, magrereklamo ka pa. Nag lalaslas ka kasi na heart broken ka, MAYGAAD. please, stop your stupidity, hindi mo alam madaming tao ang naghahangad pa ng mas mahabang buhay!
(okay.. chillax. masyado na akong HB)
Okay.. haha. natawa ako. My faith in humanity.. :D
ayun lang, nakalimutan ko na kung anu pa yung iba kong ikkwento, kasi nakakainis yung isang opisyal na yun ay pres. pala. Di alam ang kaibahan ng YOUR sa YOU'RE. mayygaadness. Ok payn. buhay naman nila yun.
At eto ang estado ko, malungkot pa din.. gaya ng dati.. parang tanga lang.. birthday pala ng biyenan ko ngayon. tinext ko naman. at ayun... :) Bukas nga pupuntahan ko yon eh, sana nandun sya sa bahay nila, kasi may ibibigay ako sa kaniya :)
HAPPY BIRTHDAY PO..
at sayo, sa aking minamahal, Ronnel Magtibay Balmes Plumang Walang Tinta Agoncillo Jr.
miss na miss na kita. walanghiya ka! hahaha. hindi ka sumasagot sa tawag ko kagabi, at di kaman lang nagreply. tae.. pero okay lang. miss na kita. Sobra., ILOVEYOU! ;)