This is how you made me feel, haay.. kanina, balak kong kausapin ka habang kinukuha ko history event mo, actually.. hindi lang naman yun ang purpose ko.. Kakausapin na kita.. Magsosorry na ako, at sasabihin ko sana na hindi ko na lang uulitin.. at susubukang gawin ang gusto mo.. Ang saya ko pag pasok, mejo kabado ako.. kasi nga balak ko kakausapin na kita. Tapos pagdating ko sa classroom, bakit wala ka? :( Late ka.. Hanggang sa nagsilabasan na lahat ng SSG, naiwan kami don at ako na parang basang kabute na nag hihintay at hindi makapakinig ng maayos sa mga teacher kakatingin sa labas, at hinihintay kang pumasok.. Time na ng Filipino, Nagreport si Pat, nandun din si Ader... Ngayon, lumapit ako kay Pat, tinanong kita.. Sabi ko.. " Nanjan na ba si Ronnel?" Sabi niya... wala ka pa daw.. maya maya, lumapit ako kay Ader kasi siya na lang ang SSG na nakita ko, tinanong ko din siya, at ayun, feeling rejected, Wala ka pa din daw. Dumating yung recess. ayun, hanap hanap din.. Nakita kita, ay, nasalubong pala.. Mukang nagmamadali.. Ang siste, ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong mag hi man lang at sabihing hindi ko na talaga kaya... :'( Haay.. lumabas ako ng dalawang beses nung recess, hoping na makikita kita.. nakita nga kita nandun sa labas ng room, at hindi na kita makuhang tignan pa, dahil naiiyak na lang ako... Deny deny, kunware hindi ko alam, actually, nagdadalawang isip na ako noon na kausapin siya, pero nabuo ang desisyon ko nung TLE, aayusin ko na talaga, kakausapin na kita.. Ang kaso, pagdating ng mapeh, pumasok ka, nagmamadali na naman at mukhang busy.. Tinawag ka ni Pakta, pero hindi naman dahil gusto ko magpatulay na kausapin ka, kakausapin ka niya kasi magpapatulong siya sayo.. Hindi ka lumapit kahit ilang tawag na siya, kaya umalis na lang ako, para naman sagutin mo siya at hindi mapahiya.. Alam ko namang ayaw mong lumapit eeh.. Kaya umalis ako, tapos ayun lumapit ka kay Joy, sabi mo, busy ka.. Kaya.. lalong nagbago isip ko. T_T hindi ko na talaga alam gagawin ko, haay. kaya umuwi na lang ako.. Hindi na ko nagpakita, kasi ayan na naman, iiyak na naman ako. Ayoko na, pagod na ko...
"Ayusin mo kasi, para walang mawala.." aayusin ko naman, kaso busy siya.. :(
Pag uwi ko, ayun forever alone pa din... Mag isa sa bahay.. akala ko may dadatnan ako, kaya iyak iyak ulit.. Nag facebook na lang ako at saka tinamad na din akong kumain, binuksan ko fb mo, tapos.. eto na lang ang nabasa ko... " Pahinga na.." :( Ang sakit naman.. akala ko kasi, sakin mo lang sinasabi yun.. yun pala sa iba din. Ayun, iyak iyak ulit. Sana hindi ko na lang pala binuksan, dami likes ng mga kung sinu sinung magagandang babae, Oo na, maganda na sila, alam ko naman yun, nakaka baba lang kasi.. Sana iniiba mo na lang password mo kesa harap harapan na lang ang bastusan,, Bumabalik na naman sa isip ko.. Pare pareho nga lang talaga kayong mga lalake... :( Pare pareho lang...
Kaya madalas nagbabago isip ko.. :'( Bakit kasi gumagawa ka ng mga bagay na ganun.. Tanggap ko pa sana yung likes, kasi sadyang ang mga lalaki lumalandi pag nakakakita ng maganda, unfortunately, hindi nga ako maganda, kaya sa iba ka tumitinngin... Eh ung.. "pahinga na.." saakin lang yun eeh.. :(
Bakit sa iba na. Yan ang bagay na kahit minsan hindi ko ginawa sa ibang lalaki, at ipapabasa ko pa talaga sayo.. :( Masakit yun.. masakit talaga...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento