:(
Hindi ko alam, pero hindi na ako nagiging masaya. :'( parati ka na lang ganyan, ako ng ako ang umiintindi, Hindi ba pwedeng tayong dalawa na lang? Pinipilit kong magbago, pero bakit ikaw naman yung nagbabago? :( Kahit eto na ko, mukang tanga na kaka kulit sayo, kaka kausap sayo... pinagtatabuyan mo pa ko kahapon. sabi mo, kumain na lang akong mag isa. Ako ba? minsan pinabayaan ba kita ng ganun? :( Kasi ako, hindi ko gagawin yun.. Tapos ang sabi mo pa, wag kita hawakan nung kinukulit kita. Kaya umalis na lang ako. :'( tapos binalikan kita kasi nga alam ko magagalit ka na naman kapag hindi kita pinansin... Nakaka mukang tanga na talaga... Pero kahit ganun.. ginagawa ko pa din, Tapos kanina pinagsasabihan lang kita ganyan ka na kumilos. Nag iiba ka na.. Tapos kung makipag usap ka sa ibang babae ratatatatat kala mo naman wala ng bukas. :'( andami dami mong kwento sa kanila.. kahit may teacher hala ka sa kakadaldal, sakin ba nagawa mo yun? sakin ba nagawa mong makipag usap kahit may teacher, eh halos hindi ka na nga nakikinig. giliw na giliw ka don. :( dati hindi ko sinasabi sayo yung selos ko, kapag sinasabi ko naman ngayon nagagalit ka. :( Minsan nga, pinipilit ko na lang wag ipakita sayo kasi akala ko masasaktan ka, pero sa huli, ako pa din naman yung nasasaktan kasi hindi ka nagseselos. Bakit ako na lang parati? Hindi ko alam kung oa lang ba ko, or what. Eh paano nga ba namang hindi ka mag sesellos eh halos hindi na nga ako lumalapit sa ibang lalaki kahit kwentuhan man lang.. :( Kahit minsan sinusubukan ko, hindi ka naman talaga nagseselos. :'( Pakiramdam ko tuloy napaka borring ko na, at kahit mga napakawalang kwentang bagay ikinukuwento ko na, pero wala pa din... :( Para lang akong nakikipag usap sa pader.... Sana naman minsan, ipakita mong interesado ka. :(